People's Health Movement PHM - re-establish health and equitable development as top priorities with comprehensive primary health care


home page contact us     

About PHM News Room Events PHM Worldwide Campaigns Publications

Charters Voices PHA 2000 Links Get Involved Spanish
 Filipino

Last Update:  March 14, 2005 

 
Quick Feedback
Has this information been
useful? Yes    No
Name
Email
Keep me informed
Thank you

 
  Endorse the Charter

click here
to endorse the Charter

Endorse
Arabic
Bangla
Chinese
Danish
Dutch
English
Farsi
Filipino
Finnish
French
German
Greek
Guarani
Hausa
Hindi
Indonesian
Italian
Japanese
Kannada
Malayalam
Nepalese
Portuguese
Quichua
Russian
Sinhala
Spanish
Swahili
Swedish
Urdu

 

    Download the Charter
Instructions about downloadable versions of the People's Charter for Health are on the publications page.

 

 

Sambayanang Tunguhin Para sa Kalusugan

Sambayanang Tunguhin Para sa Kalusugan

 
Download the doc   |  This document in pdf formatpdf   version

PANIMULA:

Isang makasaysayang pagtitipon ng mga bansa ang ginanap noong ika-12 ng Setyembre 1978 sa Alma Ata, Russia.

Isandaan at tatlumput apat na mga pinuno ng bawat bansa at sa pakikiisa ng WHO at UNICEF and nagkaisa sa adhikaing “Kalusugan Para sa Lahat sa Taong 2000”. Ang Primary Health Care (PHC) o Batayang Pangangalagang Pangkalusugan and siyang idineklarang pinakamabisang pagkilos upang ang tunguhing ito ay makamit. 

Subalit ang makabuluhang adhikain na ito ay nanatiling isang panaginip. Ito ay di natupad. Ang pangkalusugang kalagayan ng mga mamamayan, higit lalo na ang mga mahihirap na bansa ay di nagbago, bagkus ay tumindi ang kalunos-lunos nilang kalagayan. Sa kasalukuyan ay dumaranas ang mahihirap na bansa ng Pandaigdigang Krisis Pangkalusugan. Bukod sa dati ng problema, maraming makabagong mga banta sa kalusugan ang lumitaw kaakibat ng paglitaw ng Globalisasyon. Ang Globalisasyon ay siyang matinding sagka sa pagkakaroon ng pantay na bahaginan ng kayaman ng mundo at kapangyarihan para sa mga mamamayan. Direktang pasakit and dulot nito sa kalusugan ng mga mahihirap

Ang pagkabigo upang isakatuparan and prinsipyo ng Primary Health Care na nauna ng pinagkaisahan noong 1978 ay lalo pang nagpalala sa krisis pangkalusugan. Ang mga pamahalaan at mga pandaigdigang institusyon pangkalusugan ang may pangunahing pananagutan nito.

Isang napakahalagang pangyayari na muling buhayin at pasiglahin ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa buong daigdig upang isakatuparan ang adhikaing pangkaunlaran at pangkalusugan. Ang pagpapalakas ng tunay na pagkilos at pagkakaisa ng mga mamamyan ang sentrong susi sa pagkakamit ng Kalusugan Para sa Lahat. Sa gayon ang panaginip sa Alma Ata noong 1978 ay matatamo.

Marami ng mga grupo, samahang pangkalusugan, pribadong institusyon, mga kilusan sa hanay na kababaihan at manggagawa sa buong daigdig and nagkaisa na kumilos upang ang layuning ito ay matupad. Ang mga samahang ito at kasama ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan ang tunay na nagtataguyod ng Primary Health Care at pangkaunlarang tunguhin para kalusugan ng lahat.Ito ang masikhay na nag-organisa ng tinaguriang People’s Health Assembly (Pagkakaisa ng Mamamayan Para sa Kalusugan) na ginanap noong ika-4-8 ng Disyembre, 2000 sa Bakuran ng Gonoshasthaya Kendra or GK Health Center, Savar Bangladesh.

1,453 kalahok mula sa 92 na mga bansa ang nagtipon upang talakayin, magbalangkas ng pagkilos at ipagpatuloy ang pandaigdigang pagkilos na paunlarin ang kalagayang pangkalusugan. Halos dalwang taon ang ginugol sa paghahanda ng pagtitipong ito na masiglang dinaluhan ng mga mamamayan sa ibat ibang antas ng pagkilos sa kalusugan. Ang mga tuloy-tuloy na pag-uusap, pagpupulong mula sa local na antas hanggang sa pambansang pagpupulong ay siyang nagbuo ng Asembliya.

Ang Pangkalahatang Pagtitipon na ito ay sumaklaw sa limang Mensahe:

  • Kalusugan at Buhay, 

  • Ang Kahirapan at Kalusugan 

  • Pangangalagang Pangkalusugan 

  • Pangangalaga sa Kalikasan at Kalusugan 

Ang Pagsulong ng Pagkilos sa Kalusugan.

Ang mga kalahok mula sa ibat ibang bansa na kinabibilangan ng mga local na mangagawang pangkalusugan, estudyante, guro, mangagamot, mangagawang pangkalusuagn, magsasaka, manggagawa, kababaihan, mga aktibista para sa kalusugan ay tuwirang naglahad ng kanilang mga buhay na karanasan, kanilang mga pagkilos, mga tagumpay at kabiguan sa pangkalusugang aspeto. Mahigit sa isang daang sabayang pagpupulong (concurrent sessions) ay ginanap araw-araw upang higit na maibahagi sa detalye ang ibat ibang aspetong pangkalusuagan. Ang limang araw na pagtitipon na ito ay naging paraan at panahon din upang maibahagi at masiglang talakayin ang mga hakbang na gagawin upang maipaabot sa bawat mga bansa at pamahalaan nito ang tunay na kalagayang pangkalusugan at ang ibat ibang paraan ng pagkilos upang ito ay mapaunlad. Nagkaisa ang mga dumalo na tuwirang ipaabot ang dismaya sa bawat pamahalaang nagpabaya ng kanilang tungkulin at ilahad ang responsibilidad ng mga bawat namumuno ng mga bansa na kagyat na tugunan ang mga kahilingang ito.

Isa sa nagging tampok sa Pangkalahatang Pagtitipon na ito ay ang pagkakabuo ng Peoples Charter for Health. Ito ang mabisang dokumento upang ipabatid sa buong mundo ang pagkilos ng bawat mamamayan at ibat ibang organisasyon pa pagkakamit ng Kalusugan Para sa Lahat.

Ang lahat ng naglalayon ng makabuluhang pagbabago para makamit ang kalusugan Para sa lahat lalo ng mahihirap ay inanayayahang ibahagi, ipaliwanag at ipalaganap ang People’s Charter for Health.
 

 


PREAMBLE ~ PASIMUNO

Ang kalusugan ay isang pang-ekonomiya, panglipunan at pampulitikang kaganapan at usapin. Higit sa lahat ito ay isang batayanag karapatan ng bawat mamamayan. Ang di pagkakapantay-pantay, kahirapan, kasalatan, karahasan, pagsasamantala at kawalang katarungan ay siyang ugat ng suliraning pangkalusugan at nag pagkamatay ng mga dukha at pinagsasamantalahang mahihirap na mamamayan. Upang ganap na matamo ang kalusugan para sa lahat , ang pagkilos ay nararapat na nakatuon sa tuwirang pagtututol sa globalisasyon, paghamon ng mga nasa katungkulan na gampanan ang responsibilidad sa kalusugan at ang malawakang pagbabago sa pampulitika at pang-ekonomiyang sistemang umiiral sa lipunan.

Ang Charter na ito ay binuo sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig, lakas at pagkilos ng mga mamamayan na patuloy na naisasantabi o di pinapakingggan. Ang solusosyon sa pagbabago ng kasalukuyang kalakaran ay nakabatay sa pagkilos ng mga mamamyan na siyang tutugon sa umiiral na suliraning pangkalusugan. Ito rin ang nagtutulak na panagutin ang mga maykapangyarihan, pinuno ng bawat bansa na nagkait ng mga batayang karapatan para sa mga mamamyan.


VISION ~ TUNGUHIN

Pagkakapantay-pantay, kaunlarang nakabatay sa katarungan, kapayapaan, na may pagkalinga sa kapaligiran ang siyang sentrong nilalayon ng bawat mamamayan. Isang mundong ang kalusugan at kaunlaran ay tinatamasa ng higit na nangangailangn, may pagggalang sa pagkakaibang pangkultura at lahi, isang mundo na nagpapaunlad ng kakayahan at talino ng bawat isa, isang mundo na ang tinig ng nakararaming mahihirap ay tunay na pinapakinggan at isang mundo na ang mga mamamyan mismo ang mapagpasya ng kanilang kagalingan.


ANG KRISIS PANGKALUSUGAN:

“Ang araw-araw na pagkamatay at pagkakasakit ay nakapagpaigting ng aming galit. Hindi dahil sa basta lamang pagkamatay o pagkakasakit . Tumitindi ang aming galit dahil sa ang mga pagkamatay at mga pagkakasakit na ito ay bunga ng di makatarungan pampulitika ta pang-ekonomiyang patakaran na dinaranas naming: 
 

(Tinig mula sa Gitnang America)


SA mga naunang dekada, ang mga pagbabagong pang-ekonomiya sa buong mundo ay nagkaroon ng napakabigat na epekto sa kalusugan ng mga mamamayan at sa mga serbisyong panlipunang kanilang natatanggap. Kahit na napalaking yaman ang nalikha sa mundo, ang mga ngahihirap at nagugutom ay patuloy na dumarami. Ang pagitanng mayaman at mahirap ay patuloy na lumalawak at ang maging ang di pagkakapantay pantay sa pagitan ng mayayaman n at mahirap na mga bansa, sa pagitan ng uri at katayuan sa lipunan, sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan at sa pagitan ng matatanda at kabataan.

Malaking bahagdan ng populasyon sa buong daigdig ay nakakaranas ng malaking kawalan ng serbisyong pangkalusugan, pagkain, edukasyon, ligtas na tubig, sanitasyon, pabahay , lupang pag-aari at mga yaman nito, matatag na hanapbuhay. Ang pagsasamantala lalo na mahihrap ay nanatili na lubusang nakakaapekto sa paglaganap ng mga karamdaman at kamatayan.

Ang yaman ng ating mundo ay walang humpay na inanabuso. Ang pagkasira ng ating likas nakayamanan at kapaligiran ay nagdudulot ng malaking banta o panganib sa ating kalusugan. Tumaas ang bilang ng pag-aaway(conflict) at mga digma sa bawat bansa samantalang ang mga kasangkapang pangdigma ay patuloy ang produksyon.

Ang yaman ng mundo ay nakakonsentra sa kamay ng iilan na ginagamit lamang sa muling pagkakamal ng malking tubo. Ang mga makabagong patakarang pampulitika (neoliberal policies) at pang-ekonomiya ay isinasakatuparan ng mga makapangyarihang nmga pamahalaan at mga pandaigdigang institusyon tulad ng World bank IMF, World Trade Organization. Ang mga patakarang ito kaalinsabay ng mga walang humpay na pagkilos ng mga Pandaigdigang Korporasyon na pinangungunahan nga America at Europa ay nagdudulot ng malalang epekto sa kalusugan at kabuuang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan sa daigdig.

Ang mga pampublikong serbisyo ay di tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa pagputol ng gastusin laan sa mga serbisyo kayat ang mga serbisyong ito ay lalo ng naging mahal, di maabot, napakalayo o di marating, kulang at di nagging angkop sa pangangailangan ng nakakarami.

Ang pagsasapribado ng serbisyong pangkalusugan ay naglalayong higit na palayuin sa mahihirap ang serbisyong ito dahil ito ay lalo ng di makakaya ng mahihirap na naging labag sa prinsipyo ng pantay na pagbabahaginan ng serbisyo. Patuloy na nariyan ang mga karamdamang maiiwasan at muling tumaas ang mga karamdaman na dapat sana ay malaon ng nawala tulad ng tuberculosis at malaria. Nakakaalarma ang paglitaw ng mga karamdamang wala pang gamot sa kasalukuyan tulad ng HIV/AIDS. Ang mga ito ay ang masakit na katotohanang ng kawalan ng pagkakapantay pantay at katarungan.


MGA PRINSIPYO NG PEOPLE’S CHARTER FOR HEALTH:

Ang pagkakaroon ng posibleng pinakamataas na antas ng kalusugan at kabuuang pagkataong kalagayan at isang batayang karapatan na walang pag-tangi sa iyong lahi, kasarian, relihiyon, taong gulang, pantribong kinabibilangan, uri sa lipunan at mga kakayahan.

Ang mga kabuuang prinsipyo ng Primary Health Care (PHC) na idineklara noong 1978 sa Alma Ata ay siyang batayan ng pagsasagawa ng mga patakarang may kinalaman sa kalusugan. Ngayon at higit kailanman ang pantay-pantay, may pakikilahok ng mga mamayan at angkop na serbisyong pangkalusugan ay higit na kinakailangan.

Ang mga pamahalaan ang bawat bansa ang siyang may pangunahing responsibilidad upang siguruhin na ang serbisyong pangkalusugan ay abot kaya, madaling maabot at matagpuan, de kalidad na serbisyo, serbisyong pang-edukasyon na lapat sa pangangailangan ng mamamayan hindi sa kakayahan nilang magbayad.

Ang aktibong pakikilahok ng mamamayan ay napakahalaga sa pagpaplano, pagsasakatuparan at paglalagom ng mga patakaran at mga programang pagkalusugan.

Ang kalusugan ay pangunahin ng naaapektuhan ng pampulitika, pang-ekonomiya, [panglipunan at ng kapaligirang mga aspeto at kaalinsabay ng pantay na hatian ng yaman ng mundo , matatag na pagpapaunlad ay siyang nararapat na pangunahing bigyang pansin sa mga komunidad, local na pamahalaan at sa pambansang patakaran. 


PANAWAGAN SA PAGKILOS:

Upang labanan ang pandaigdigang krisis pangkalusugan kinakailangang ang pagkilos ay sa lahat ng antas- indibidwal (mula sa tao mismo), sa bawat komunidad, pangrehiyon, pambansa at maging sa buong daigdig kasama na ang lahat ng mga sector sa lipunan. Ang mga sumusunod na panawagan ang siyang batayan ng ating pagkilos:


*Ang Kalusugan Bilang Batayang Karapatan*

Ang kalusugan ang siyang salamin ng tungkulin ng isang pamahalaan sa pagkakaroon ng pagkakapanta-pantay(equity) at katarungan. Ang batayang karapatang pantao at pangkalusugan ay higit na mangingibabaw kaysa sa pang-ekonomiya at pampulitikang aspeto.


Ang Charter na Ito ay nanawagan sa mga mamamayan ng mundo na:

  • Tuwirang suportahan ang lahat ng pagkilos upang isakatuparan ang karapatan sa kalusugan
    Ihain at ipanawagan sa mga pamahalaan ng bawat bansa, mga pandaigdigang institusyon/samahan na baguhin, isakatauparan aang mga patakaran at mga gawaing gumagalang sa karapatang pangkalusugan.

  • Magtayo at magpatatag ng mga samahan at pagkilos ng mamayan na may malawakang saklaw na isama sa kanilang saligang Batas ang batayang karapatang pantao at karapatan sa kalusugan

  • Labanan ang pagsasamantala sa mga mamamyan lalo na ng mahihirap para sa pagkamal ng tubo o kita
     

 


PAGHARAP O PAGTALAKAY SA MGA SALIK SA KALUSUGAN



Pang-ekonomiyang Mga Hamon:

Ang ekonomiya ay may malaking impluensya o epekto sa kalusugan ng mamamayan. Ang mga patakarang pang-ekonomiya na binibigyang diin o prioridad ang pagkakapntay-pantay ng hatian ng yaman, kalusugan at kagalingan ng lipunan ay malaking bahagi upang paunlarin ang kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan at maging ng ekonomiya ng isang bansa.

Ang mga patakarang pampulitika, pampinanysa, pang-agrikultura at pang-industriya na tumutugon lamang sa pangangailangan ng mga kapitalista na isinasakatuparan ng mga pambansang pamahalaan at pandaigdigang organisasyon ay nakapagpapahiwalay sa mga mamayan at kanilang kabuhayan. Ang buong proseso o mga paraan ng globalisasyon at liberalisayon o maluwag na kalakalan ay nakapagpalala sa di pagkakapantay-pantay at napagdulot na mas malaking pagitan sa bawat mga bansa.

Maraming mga makapangyarihang bansa sa mundo ay sinasamantala ang kanilang mga yaman at rekurso lalo na ng kanilang mga batas pang-ekonomiya at sa pakikiaalam ng militar ay nakakapagpalakas ng kanilang hanay upang samantalahin ang maliliit o mahihirap na mga bansa.


Ang Charter na ito ay nanawagan sa mamamayan ng mundo na:

  • Tutulan ang patakaran ng WTO o masaklaw na baguhin ang pangaigdigang sistemang pangkalakalan upang ang WTO ay matigil sa paglabag sa panlipunan, pangkapaligiran, pang-ekonomiya at pangkalusugang patarakaran at karapatan. Dapat magsimulang maging positibo ang patakarang ito sa kapakinabangan ng mga bansa sa South (Timog). Upang maprotektahan ang pampublikong serbisyong pangkalusugan ang masaklaw na pagbabagong ito ay dapat nakatuon sa Intelllectual Property Regimes tulad ng patente at mga may kinalaman sa pangkalakalan ng Intellectual Property Rights (TRIPS) na napagkasunduan.

  • Kanselahin lahat ng mga pagkakautang ng mga bansang mahihirap (Third World Debt)

  • Hingin ang masaklaw na pagbabago ng mga patakaran ng World Bank at IMF upang ang mga institusyong ito ay positibong ipalaganap ang karapatan at intetres ng mga umuunlad at mahihirap na mga bansa.

  • Hingin at isakatuparan ang epektibong kontrol at patakaran ng mga TNCs o Korporasyong banyaga upang masiguro na ang mga ito ay walang negatibong epekto sa kalusugan ng mga mamayan, hindi makapagsasamantala sa mga manggagawa, di makakasira ng kapaligiran at di nakikialam sa pambansang soberenya o kalayaan.

  • Siguruhin na ang mga pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakarang pang-agrikultural na nakatuon sa pangangailangan ng mga mamamayan at di sa kahilingan ng merkado o palengke upang magarantiyahan ang ang seguridad sa pagkain at ang pantay na hatian sa pagkain.

  • Hingin na ang mga pamahalaan ay ay kumikilos upang protektahan ang pampublikong karapatang pangkalusugan at mga batas ukol sa intellectual property.

  • Kontrolin ang mga buwis ukol sa “speculative international capital flows”o buwis ukol sa kapital/perang nanggagaling sa labas ng bansa.

  • Igiit na lahat ng pang-ekonomiyang patakaran na malaking kinalaman sa kalusugan, kasarian, kapaligiran ay maisama sa kontrol o regulasyon upang maisakatuparan ng epektibo.

  • Hamunin ang mga makabagong teorya sa pang-ekonomiyang pangkaunlaran (growth center economic theories) at palitan ng mga alternatibong na nakapagdudulot ng makataon at pangmatagalang maunlad na lipunan. Ang mga pang-ekonomiyang patakaran ay dapay kumikilala sa balakid ng kapaligiran, ang kahalagahan ng kalusugan at pagkakapntay-pantay at ang malaking ambag ng lakas pagggawa na di nababayaran lalo na ng mga di kinikilalang lakas pagggawa ng mga kababaihan.
     

Panlipunan at Pampulitikang Hamon: 

Ang komprehensibong panlipunang mga patakaran ay dapat na may positibong epekto sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Ang pang-ekonomiyang globalisasyon at pribatisasyon at matindi ang ginawang pagsira sa mga mga komunidad, pamily at kultura. Ang mga kabababaihan ay napakalaki ang ambag sa pagpapatag at pagpapaunlad ng mga lipunan saan man subalit ang kanilang mga batayang pangangailangan ay kalimitang ipinagwawalang bahala o ipinagkakait ang kanilang mga karapatan at katauhan ay niyuyurakan.

Ang mga pampublikong institusyon ay patuloy na pinahihina. Kalakhan sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad ay nailipat na sa mga pribadong korporasyon sa iba pang pambansa ay pang-internasyunal na institusyon.na kadalasang walang pagsaalang-alang sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang kapangyarihan ng mga unyong manggagawa at pampulitikang partido ng mga mamamayan ay patuloy na sinasagkaan samantalang ang mga pwersang konserbatibo at fundamentalist ay lumalaganap. Ang parisipasyon ng mga tao at demokrasya sa ilalim ng mga pampulitikang organisasyon at pansibikong
istruktura ang siyang dapay lumaganap. May kagyat na pangangailangan na siguruhin ang pagiging matapat na paglilingkod sa bayan (Ensure accountability and transparency)

Ang Charter na Ito ay Nananwagan Sa Mamamayan ng Mundo na:

  • Hingin at suportahan ang pagpapaunlad at pagsasakatuparan ng komprehensibong panlipunang patakaran na buong partisipasyon ng mga mamamayan.

  • Siguruhin na lahat ng mga kababaihan at kalalakihan ay may pantay na karapatan sa kalayaan ng pamamahayag, sa pampulitikang pagkilos, sa relihiyon, 

  • edukasyon at kalayaan sa karahasan.

  • Igiit sa mga pamahalaan na pangunahan at palakasin ang pagsasabatas upang maprotektahan at maipalaganap ang pampisikal, pangkaisipan at pangespiritual na karapatang pagkalusuga at kabuuang karapatang pantao lalo na ng mga pinagsasamantalahang sekto ng lipunan.

  • Hingin na ang edukasyon at kalusugan ay unahin sa pampulitikang usapin. Ito ay nangangahulugan ng libre, de kalidad at kailangang edukasyon sa lahat ng kabataan, may edad man lalo na mga kabataang kababaihan.

  • Tutulan at igiit na alisin n ang mga patakarang nagreresulta sa pagkamkam ng lupain at tirahan ng mga mamayan, pag-alis sa kanilang tirahan at trabaho.

  • Tutulan ang mga pwersang fundamentalista na malaking banta sa karapatan at kalayaan ng mga individual particular na sa buhay ng mga kababaihan, kabataan at katutubo

  • Tutulan ang sex tourism at ang pandaigdigang pagsasamantala sa kababaiahan at kabataan
     

Mga Pangkapaligirang Hamon:

Ang polusyon sa tubig, hangin at pabago-bagong klima o panahon, pagkasira ng ozone layer, mga lasong kemikal at pestisidyo, pagkawala ng lahi ng halaman/hayop, pagkakalbo ng kagubatan, pag-agas ng lupa ay may matagalan at mabigat na epekto sa kalusugan ng mamamayan. Ang mga ugat ng pagkawasak ng kapaligiran ay mula sa pagsasamantala ng ating kalisakasan, ang kawalan ng pagpalano at kabuuang tunguhin para sa kapaligiran, ang laganap na kasakiman upang kumamal ng tubo at ang malabis na paggamit ng mayayaman. Ang mga pagkasirang ito ay dapat na epektibong harapin , pigilin/labanan kaagad.

Ang Charter ay nanawagan sa Mamayan ng Mundo na:

  • Papanagutin ang mga dayuhang korporasyon, mga institusyon ng pamahalaan, ang militar sa mga mapanganib at mapangwasak na gawain na direktang may epekto sa kapaligiran.

  • Hingin na lahat ng proyektong pangkaunlaran ay may masusing pag-aaral sa magiging epekto sa kapaligiran. Dapat na may epektibong kontrol sa mga teknolohiya o regulasyon na nagbabanta ng panganib sa kalusuagn at kapaligiran

  • Hingin na ang mga pamahalaan na sugpuin ang epekto ng greenhouse gases mula sa kanilang teritoryo, maging istrikto sa mga teknolohiyang pandaigdigan na di angkop sa isang bansa,at may banta ng panganib sa kalusugan.

  • Tutulan ang paglilipat ng mga mapanganib na industriya, mga basurang nakakalason, radioactive substance sa mga bansa at mahihirap na komunidad. Palakasinang mga solusyon na nagbabawas ng basurang nakakalason.

  • Bawasan ang mga luho at ang mga gawaing labisna nag-aaksaya ng likas na yaman mula sa mga bansa na Hilaga hanggang sa Timog. Igiit sa mga mayayamang bansa sa pababain ang kanilang polusyon ng hanggang 90%.

  • Hingin ang mga patakarang nagseseguro ng kaligtasan sa lugar paggawa kaaalinsabay ng pagmamanman sa mga kalagayang paggawa sa industriya.

  • Hingin ang karampatang patakaran upang maiwasan ang mga aksidente sa lugar paggagwa, sa komunidad at sa mga tahanan

  • Itakwil ang mga patente sa buhay at tutulan ang biopiracy o pagnanakaw ng mga kaugalian/tradisyunal na kaalaman at kayaman

  • Lumiklha ng mga panukat na makatao, nakabatay sa komunidad na mga pangkapaligiran at panlipunang pag-unlad at idiin ang palagiang pagmanman at pagsubaybay upang masukat ang lawak ng pagkasira ng kapaligiran at epekto sa kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan.
     

 

Digmaan, Karahasan, at Kalamidad:

Ang mga digmaan, karahasan at ang mga kalamaidad ay patuloy na nagwawasak sa mga komunidad at sumisira sa dignidad ng bawat tao. Napakalala ng epekto sa kalagayang pisikal at pangkaisipan ng bawat myembro ng komunidad lalo na sa kabataan at kababaihan. Ang malawakang paggawa ng armas at kalakalan nito sa daigdig ay nakapagpapahina na pampulitika at pang-ekonomiyang batayan ng bansa at paggamit ng rekurso sa lipunan.

Ang Charter na ito ay Nanawagan sa mamamayan ng mundo na::

  • Suportahan ang lahat ng kampanya para sa kapayapaan at pagpigil ng paggawa ng armas.

  • Suportahan ang mga kampanya laban sa pananakop, pag-atake, pananaliksik, paggawa, pagsubok, pagsasanay at paggamit ng mga armas na nakamamatay at nakasisira ng buhay.

  • Suportahan ang kilusang mamamayan na naglalayon ng matagalang kapayapaan lalo na sa mga bansang nakaranas na ng digmaan, at maramihang kamatayan dulot ng karahasan.

  • Tuligsain ang paggamit ng kabataan bilang mga mandirigma at ang pang-aabuso, panggagahasa, labis na pagpaparusa/torture at ang walang habas na pagpatay sa mga kabataan at kababaihan.

  • Igiit na itigil na ang pananakop ng isang bansa sa alin mang bansa

  • Tutulan ang militarisasyon ng mga makataong gawainng pansagip (relief missions)

  • Hingin ang masaklaw na pagbabago ng UN Security Council upang ito ay makagampan ng may kalayaan.

  • Hingin na ang United Nationsna at ang bawat estado na wakasan na ang patakaran at batas na maaring gamitin sa pananakop at karahasan na sumisira sa buhay kalusugan ng mga sibilyan

  • Pasiglahin ang independiente, nakabatay sa mga mamamayan na inisyatiba na nagdedeklara ng pagkakaisa ng magkakalapit na mga bansa at komunidad at ang pagkakaroon ng sonang pangkapayapaan sa mga komunidad

  • Suportahan ang ga pagkilos at kampanya upang maiwasan at masugpo ang mga marahas na pagkilos o kaugalian lalo na mga kalalakihan at ang pagpapatibay ng mapayapang pamumuhay.

  • Suportahan ang mga pagkilos at kampanya upang maiwasan ang mga kalamidad at epekto nito at ang kaakibat na pagpapahirap nito sa mga mamamayan
     

SEKTOR PANGKALUSUGAN NA MAKATAO:

Ang Charter na ito ay nanawagan ng pagsasakatuparan ng pangkalahatan at komprehensibong Primary Health Care, na walang pagsaalang-alang sa kakayahang magbayad ng mga mamamayan. Ang serbisyong pangkalusugan ay dapat na demokratiko , may responsibilidad at may tamang rekurso upang ito ay maisakatuparan.

Ang Charter na ito ay nanawagan sa mamamayan ng mundo na:

  • Tutulan ang mga patakaran pambansa at pandaigdigang patakarang pribatisayon ng serbisyong pangkalusugan at gawin ito kalakal o paninda.

  • Hilingin sa mga pamahalaan na ipalaganap, bigyan ng suportang pinansya ang komprehensibong Primary Health Care na siyang pinakamabisang pamamaraan upang matugunan ang mga problemang pangkalusugan at organisahin ang pampublikong serbisyong pangkalusugan upang masiguro ang abot kaya at naabot na serbisyo

  • Igiit sa mga pamahalaan na isakatuparan at palakasin ang batas ukol sa patakaran sa mga gamot at parmasyutika (National health and drug policies)

  • Idiin sa pamahalaan na tutulan ang pribatisasyon ng pampublikong pangkalusugang serbisyo at siguruhin ang epektibong kontrol sa pribadong sector pangkalusugan kasama na ang mga kawangawang organisasyon at mga NGOs na pangkalusugan.

  • Hingin ang masaklaw na pagbabago ng World Health Organization upang ito ay higit na makatugon sa mga hamon pangkalusugan sa paraang mabibiyayaan ang mga mahihirap at maiwasan ang paraang mula sa itaas at walang pagkonsulta sa mga mamamayan. Dapat ding maseguro ng WHO ang pakikilahok ng bawat sector, mga kilusan ng mamamayan sa mahihirap na bansa sa Pandaigdigang Pagtitipon sa Kalusugan (World Health Assembly), at seguruhin and pagiging malaya nito sa interes ng mga dayuhang korporasyon.

  • Suportahan, ipalalaganp at makiisa sa mga pagkilos na nagpapalakas sa kapangyarihan ng mga mamamayan sa lahat ng antas ng pagpapasya kasama na ang karapatan ng mga pasyente at ng mga mamimili.

  • Kilalanin, suportahan at ipalaganap ang tradisyunal at kabuuang pamamaraan ng pagkalinga at ang mga nagsasagawa nito upang maging bahagi ng Primary Health Care.

  • Hingin ang mga pagbabago sa pagsasanay ng mga manggagawang pangkalusugan upang higit nilang maintindihan ang problemang pangkalusugan at ang epekto ng pandaigdigang usapin sa kanilang komunidad at hikayatin silang kumilos sa kanilang mga kominudad sa gitna ng mga pagbabago.

  • Ilapat o ibaba sa antas ng mga mamamayan sa teknolohiyang pangkalusugan kasama na ang gamot upang ito ay mapailalim sa pangangailangan ng mga mamamayan.

  • Hingin na ang pananaliksik pangkalusugan kasama na ang pananaliksik sa lahi at ang pagtuklas ng mga makabagong gamot at paraang pagpapalano ng pamilya ay isinasagawa ng may partisipasyon ng mga mamamayan, nakabatay sa pangangailangan at isinasagawa ng mga responsablen isntitusyon. Ito ay nararapat na nakasentro sa publiko na may maggalang sa pandaigdigan at mga katutubong prinsipyo.

  • Suportahan ang mga karapatan ng mga mamayan sa kalayaang sekswal, pagpaparami ng lahi, karapatan sa reproduksyon at tutulan ang lahat ng mga pamamaraan na namimilit sa pagpaplnao ng pamilya. Kasama ditto ang karapatang makapamili ng epektibo at ligtas na paraan sa pagpaplano ng pamilya
     

ANG PAKIKILAHOK NG MGA MAMAMYAN TUNGO SA MALUSOG NA DAIGDIG 

Isang malakas na kilusan ng mga mamayan ay pangunahing elemento para sa isnag demokratiko, matapat at responsableng mga pagdedesisyon. Napakahalaga na ang karapatang sibil, pampulitika, ang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura ay naseseguro. Bagamat ang mga pamhalaan ay siyang may pangunahing responsibilidad upang palaganapin ang makatwirang pamamaraan sa kalusugan at karapatang pantao, ang malawak na sector ng lipunan at mga kilusan, samahang pamamhayag ay ay may mahalagang gagampanan sa pagseseguro g kapangyarihan ng mga mamamayan at pagkontrol sa pagpapaunlad ng mga patakaran at pagsubaybay sa mga isinasakatuparang mga pamamaraan.

Ang Charter na ito ay nanawagan sa mamamayan ng mundo na:

  • Magtayo at magpatatag ng organisasyon ng mga mamamayn na siyang magiging batayan ng pag-ananalisa at pagkilos.

  • Suportahan, palaganapin at makiiisa sa mga pagkilos na nagpapalakas sa pagiging bahagi ng mamamayan sa pagpapasya ukol sa serbisyong pangkalusugan sa lahat ng antas.

  • Hilingin na ang mga samahang ito ng mamayan ay kumtatawan sa local, pambansa at maging pang-internasyunal na antas na pagtitipon o pag-uusap na may kinalaman sa kalusuagn

  • Suportahan ang mga local o pangkomunidad na pagkilos tungo sa may pakikilahok na may demokrasya sa pagtatayo pagkilos ng nakabatay sa pakikipagkaisa (solidarity) sa buong mundo.
     

Ang Pandaigdigang pagtitipon ng Mamamayan at Ang Charter:

Ang kaisipan at pinagmulan ng Peoples Health Assembly ay pinag-usapan na ng mahigit pa sa isang dekada. Mula noong 1998 malaking mga organisasyon ang naglunsad ng mga nagging proseso ng PHA at nagsimulang magplano ng isang malakawang pagtitipon. Ito ay ginanap sa Bangladesh noong Disyembre 2000. Sumunod ditto ang malawak na bago at pagkatapos ng pagtitipon na mga gawain tulad ng pangrehiyong workshops, ang pangongolekta ng mga kasaysayan ng mga mamayan at ang sinimulan balangkasin at isulat ang Peoples”Charter For Health.

Ang kasalukuyang charter ay nagmula sa mga kaisipan, adhikain at saloobin ng mga mamamayan at mga kilusan sa buong mundo at unang inaprubahan at ipinahayag sa Pagtitipion sa Savar Bangladesh noong Disyembre 2000.

Ang charter na ito ay salamin o paglalahad ng pagkakaisa sa mga isyu, sa mga adhikain/tunguhin para sa isang mas mahusay, mas malusog na mundo. Ito rin ang tinig ng mamamayan para sa masaklaw na pagbabago. Ito ay isang sandata para sa pagpapalaganap at sentrong pagkakaisa ng mga kilusang pangkalusugan sa daigdig sa pagpaparami at pagpapalaganap ng mga samahan at networks na maaring mabuo

Ang bawat isa, mga samahan o organisasyon ay malugod na tinatawagan na makilahok sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kilusan para sa kalusugan. Inaanyayahan ang lahat na ipalaganap at isakatuparan ang People’s Charter for Health!

 

Join Us - Endorse the Charter

We call upon all individuals and organisations to join this global movement and invite you to endorse and help implement the People's Charter for Health.

PHM Secretariat, 
e-mail: secretariat@phmovement.org 

 

Amendment

  • After the endorsement of the PCH on December 8, 2000, it was called to the attention of the drafting group that action points number 1 and 2 under Economic challenges could be interpreted as supporting the social clause proposed by WTO, which actually serves to strengthen the WTO and its neoliberal agenda. Given that this countervails the PHA demands for change of the WTO and the global trading system, the two paragraphs were merged and amended.

  • The section of War, Violence and Conflict has been amended to include natural disasters. A new action point, number 5 in this version, was added to demand the end of occupation. Furthermore, action point number 7, now number 8, was amended to read to end all kinds of sanctions. An additional action point number 11 was added concerning natural disasters.

 

 

Quick Feedback: Has this information been useful?

 

 

 
 Back Home Up Next [include/copyright.htm]